Ang Mensahe
Sa mga nagdaang siglo, ang mga iskolar ay dini-debate ang dalawang pangunahing mga posibilidad para sa pinagmulan at kahulugan ng buhay. Ang ilan ay naghahangad ng mas mataas na pilosopikong dimensyon, na hindi nila maaaring mahanap sa teorya ng ebolusyon, habang ang iba ay binalewala at itinuring na hindi makatuwiran upang gamiting sanggunian tungkol sa isang pinakamakapangyarihang diyos.
Ang maka-ateistang 'Intelligent Design Theory' ay nag-aalok ng isang makatuwirang solusyon para sa matandang tema ng debate sa pagitan ng Diyos-mananampalataya at ebolusyunista. Ito ay angkop hindi lamang sa pang-siyensyang tuklas sa kasalukuyan kundi maging sa sinaunang makasaysayang mga account ng lahat ng kultura.
Ngunit paano kung may isa pang teorya, na kapwa may katwiran at may pilosopikong lalim, na nakalatag na?
Ito ang iminumungkahi ng “mensahe”: Libong taon na ang nakaraan, mga siyentipiko mula sa ibang planeta ay bumaba sa Mundo at lumikha ng lahat ng porma ng buhay, pati na ang paglikha sa tao, na kung saan ay nilikha nila ayon sa kanlang imahe. Mga sanggunian tungkol sa mga siyentipikong ito at ang kanilang mga gawa ay matatagpuan sa mga sinaunang teksto ng maraming kultura. Dahil sa kanilang mga mataas na mga abanteng teknolohiya, sila ay itinuturing bilang mga diyos sa pamamagitan ng ating mga ninuno noong unang panahon at madalas na tawagin silang 'Elohim' na kung saan sa sinaunang wikang Hebrew ay nangangahulugang 'Yaong mga nagmula sa kalangitan'.
Sa kabila ng pagiging isang pangmaramihang salita, Elohim ay nauwi sa maling pagsalin sa paglipas ng panahon na naging isahan 'Diyos' na siyang mababasa ngayon sa mga modern-day Bibles.
Gayunpaman, ang mga tao na dumating mula sa langit (ang Elohim) tinuturuan ang sangkatauhan na angkop sa antas ng kaalaman at panahon sa tulong ng iba't-ibang mga Mensahero (tinawag din na mga propeta) na sila ay ginamit upang maging tagapag-ugnay. Ang bawat sugo ay binigyan ng mensahe na angkop para sa mga antas ng pag-unawa na nananaig sa panahon, na may pangunahing layunin na magtanim sa isip ng pangunahing mga prinsipyo ng mga di-karahasan at paggalang.
Sa sandaling naabot na ng sangkatauhan ang sapat na antas ng pag-unawang pang-siyensya, nagpasya ang mga Elohim na gawing mas nakikita ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagdadalas na pagpapakita ng UFO sightings at upang maglarawan sa isip ng sangkatauhan ang kanilang mga panghuling mensahe.
Rael ay binigyan ng dalawang mga misyon: pagpapakalat ng huling mensahe sa Mundo at pagpapahanda ng isang embahada upang salubungin ang pagbabalik ng ating mga tagalikha.
Ang maka-ateistang 'Intelligent Design Theory' ay nag-aalok ng isang makatuwirang solusyon para sa matandang tema ng debate sa pagitan ng Diyos-mananampalataya at ebolusyunista. Ito ay angkop hindi lamang sa pang-siyensyang tuklas sa kasalukuyan kundi maging sa sinaunang makasaysayang mga account ng lahat ng kultura.
Pero huwag basta maniwala lang sa aming mga sinabi. Magbasa Intelligent Design - Message from the Designers para sa iyong sarili at gumawa ng sariling pagsasaliksik.
Ginagarantiyahan namin na hinding hindi mo na nanaising makitang muli ang mundo sa dating kalakaran nito!